Gawain 14: AKO BILANG MAG-AARAL
Sagutin ang sumusunod na tanong gamit ang mga konseptong iyong natutuhan
mula sa binasang teksto.
1. Datapwat seryoso ang pamahalaan na labanan ang korapsyon, patuloy pa
rin ang maling paggasta ng kaban ng bayan. Bilang isang mapanagutang
mag-aaral, paano ka makatutulong upang masugpo ito?
2. Maraming tao na ang nagpatunay na hindi hadlang ang kahirapan upang
magtagumpay sa kahit anumang negosyo. Ilan sa mga ito sina Lucio Tan,
Henry Sy, at Manny Villar. Bilang isang maabilidad na mag-aaral, paano ka
makapag-aambag sa ekonomiya ng bansa kahit sa maliit na pamamaraan?
3. Maliban sa mga nabanggit na halimbawa, paano mo ipinakikita ang iyong
pagiging makabansa?
4. Ang pagboto ay isang obligasyon ng mga mamamayan ng bansa. Hindi
natatapos sa pagboto ang obligasyong ito. Kinakailangang makilahok ang
bawat isa sa mga proyektong pangkaunlaran. Bilang isang mag-aaral,
paano mo ginagamit ang iyong pagiging maalam sa pagpili ng mga pinuno
at pakikilahok sa mga gawaing pampaaralan at pampamayanan?